10.04.2007

Gusto ko...

I’ll try my passion in Tagalog. Hope it doesn’t turn out like a script for Negosiyete ;-) ( remember the funny sounding guy in channel 7)

***


Gusto kong lumayo…malayong-malayo sa kanya. Kung makakapagtago lamang sana ako, yung walang paw prints ni Blues Clues para di ako makita ng tinataguan ko. Gusto ko ring mag-imagine, tipong Cartoon Network, “animate your world”? Para I-I-maginine ko na nasa Boracay ako, at kahit malaki ang tiyan ko dahiil buntis ako, sexy pa rin ako. Hahahah! <*imagine nga e> At pag gabi, gusto kong maging anime na Tagalized Yun e para may mag-dub na lang ng TOTOONG nararamdaman ko para sa akin at di na ako mag-aksaya ng salita sa taong iniintindi ako, pero di naman talaga. (Duh!) Para na rin makapag-concentrate na lang ako sa pag-iyak.


Gusto kong daanin na lang ang lahat sa isang stick ng sigarilyo. Pero pinalaki ako ng tama, at may takot sa sermon kaya hindi pwede. <*Gusto ko lang, di naman requirement talaga e>. Gusto ko ring umiyak na parang drama queen, para lumabas lahat ng sama ng loob ko. Pero ayaw ko lang, mag-babara ang daanan ng hininga ko .


Gusto kong ilapit ang mga bungkos ng lupain sa buong mundo! Gusto kong mawalan ng trabaho ang mga nasa immigration <*gagawin ko na lang silang mga caregivers para mas sosyal>. Gusto kong yumaman ang Pilipinas para wala nang mag-a-abroad forever and ever…PEKSMAN! <*ang sama talaga ng tunog ng salitang ‘to>.


Marami pa akong gusto, pero alam ko gusto niyo na ring matapos ito. Di bale, okay na siguro ito. May baby naman ako…may kakampi na sa akin, kahit baluktot ang prinsipyo ko <*akala mo lang baluktot, pero hindi>. May papahid na ng luha ko pag umiiyak ako.

Siya lang naman kailangan ko e.

No comments: